Kapamilya Usap Tayo!
Noong nagdaang taon aynaging malalim ang pagtalakay tungkol sa sarili at dumaan ka samahabang proseso ng pagkilala at pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Inaasahan na sa pagkakataong ito ay handa ka nang lumabas sa iyong sarili at ituon naman ang iyong panahon sa mga tao sa iyong paligid, ang iyong kapwa.
Sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang pinakamalapit mong kapwa… ang iyong PAMILYA. Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang Pilipino, alam kong may malaking puwang sa iyong isip at puso ang iyong pamilya. Ngunit sapat na nga kaya ang pagkakakilala at pag-unawa mo sa tunay na saysay ng pamilya sa iyong sarili at sa lipunan? Paano maiuugnay ang pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa? Tutulungan ka ng modyul na ito upang masagot mo ang mga tanong na ito.Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na:
Bakit itinuturing na natural nainstitusyon ang pamilya?
Handa ka na ba? Halika na! Sabay tayong maglakbay patungo sa kaibuturan ng ating pamilya.
a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya nakapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili
b. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isangpamilyang nakasama, namasid, o napanood
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ngpagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput sa titik d:
1. May nabuong mga hakbang, katuwang ang mga kasapi ng pamilya, sapagsasagawa ng mga angkop na kilos na makatutulong sapagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya
2. May mga kalakip na patunay sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ngmga kasapi ng pamilya
3. May nagawang family log na magsisilbing talaan ng mga karanasan sapamilya sa pagsasabuhay ng mga hakbang sa pagpapaunlad atpagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.
https://apriljuanitez.wordpress.com/2015/03/24/kahalagahan-ng-pamilya/